Tragic Kingdom  

Posted by feihaley in

Typhoon Ondoy. One of the names that Filipinos will never forget. Yes. This post may be one of the millions out there expressing their grievances and losses due to that awful wrath of nature. I can't help but react to the current situation, even though my family was not one of the many families that suffered a fatal blow. Some friends of mine were hit by the sudden affliction, and I totally feel sad for them. I can only do so much as to hope and pray that their families are safe now and that they will recover from the mishap soon enough.


But here's what's MORE horrible. In spite of the current events happening in the Philippines now, there are these certain people who express their, how do we call that? Rejoicing? Mockery? Ridicule? Sarcasm? And what is more obnoxious is the fact that some of them are FILIPINOS as well. Take for example that Filipino woman Jacque Bermejo from Dubai who said the following exact words:


"buti n lng am hir in dubai! maybe so many sinners bak der! so yeah deserving wat hapend !"


Another one from the website pinoyexchange.com


And yet another one from a Korean member of Twitter.


What's up with these people? Who ARE they,by the way? They talk carelessly and without remorse as if they represent God to say that everyone who suffered the disastrous calamity deserved the unexpected casualties. They talk as if they are exempted from the vengeance of nature. Like they have earned a total immunity from every catastrophe that is yet to come. They talk without fear of bad karma getting back at them and biting their arse hard enough to make them swallow their words. These are people showcasing the vicious face of human nature. How sad. I, for one, haven't helped those people back there, so I just pray for them instead. This is no time to be pointing fingers and blaming whoever. God. The Government. The People. This won't bring back everything that was lost. Yes. It is true that at some aspects the Filipinos are at fault of what happened, but then again, who wanted that appalling event to occur anyway? NO ONE.


It's as simple as this. If you have nothing good to say, especially if it will not help anyone and just make matters worse, then better shut your big fat mouth.


*********************************************************

"Do not speak unless you can improve the silence." - Proverb

Pilipinas,hindi ka ba nararapat?  

Posted by feihaley in

Napapadalas na naman ang bonding namin ng blog page ko. Hahaha. Kanina lang sumulat ako, at ngayon susulat ulit. Sa totoo lang naisipan kong nais kong gawan ng reaksyon ang sinabi ng isang kaibigan ukol sa Pilipinas nating mahal.


Simula nung isang araw, walang habas ang panunuod ko ng lahat ng episodes ng Word of the Lourd sa Youtube. Kesehodang alam kong may mga dapat pa akong gawin. Nakakaaliw. At natututo "ulit" ako ukol sa maraming bagay bagay. (Oo,free plugging na rin ito. Haha) Bilib ako sa pamamaraan ni Sir Lourd na ilagay sa konteksto ng isang maiksing segment sa telebisyon ang mga katotohanan sa likod ng kulturang Pilipino at kung paano niya ipinaparating ang mensaheng nais niyang sabihin.

Sa pamamagitan ng iba't-ibang paraan, karanasan, pangyayari, at pakikisalamuha sa iba't-ibang klase ng tao ako namulat sa ating kulturang hinahagkan. Oo. Alam ko at nakikita ko na maraming sablay ang mga Pilipino sa sari-saring aspeto. Palpak na gobyerno. Naghihikahos na mamamayan. Maruming paligid. Kawalan ng maayos na hanap-buhay. Pero gayunpaman, masaya pa rin ako na ako ay isinilang sa bansang Pilipinas, at isang tunay na Pilipino. Sa isip, sa salita, at sa gawa. Ikaw, proud to be Filipino ka rin ba?

Teka, teka. E ano nga ba kasi ung sinabi ng isang kaibigan kaya ako nagsulat ng ganito? Nakita ko kasi sa isang social networking site ang kanyang ipinaskil ukol sa mga pinaka mahusay at pinaka magandang bansa sa mundo. Nakita kong nasa ika-limang posisyon lamang ang Pilipinas. Sa isang banda, nalungkot ako. Kaya pabiro ko na lamang sinabi sakanya na "Pang lima lang ang Pinas?" at ang sagot niya sa akin?


"to be honest, sabit lng ang pinas dyn. hehehe! pagbigyan nlng. lol =D"

Dapat ba akong tumawa? Sa tingin ko, hindi. Teka suriin natin ha. Wala kasi siyang lahing Pilipino, pero halos Pilipino na rin siya kung tatanggalin lang ang aspeto ng kanyang "race". Doon siya ipinanganak at lumaki sa Pilipinas. Doon rin siya nag-aral. At alam ko, at siguradong sigurado ako, na meron na rin siyang ugaling Pilipino. Pero bakit ganun na lamang ang pagkakasabi nya ukol sa bansang kumalinga sakanya sa loob ng, hmm... Dalawampu't dalawang taon? O kung anu mang edad na niya. Sa mga kapirasong salita na kanyang binitiwan, tila ba isang maling pagkakamali na siya ay napunta sa Pilipinas. Tila ba utang pa ng Pilipinas sakanya ang isama siya sa isa sa mga mahuhusay na bansa sa mundo? Napailing na lamang ako ng ulo. Sadyang nakakalungkot. Nung umalis ako ng Pilipinas, hindi sumagi sa isipan ko na sabihing "Makakaalis na rin sa walang kwentang bansa na ito." o kaya e "Goodbye Philippines!! I hope never to see you again." Impokrita ko? Hindi. Totoo yun. Kasi alam ko namang kahit na nasa ibang lugar ako, dala ko pa rin kahit na kakarampot ang Pilipinas. :)

Kung mismong ang mga mamamayan ng isang komunidad ay isinusuka at itinatakwil ang bayang kanilang kinamulatan, ano na lang ang mangyayari? Saan sila hahantong? Ano ang magiging kapalaran ng bansa na nagtaguyod sa kanila?


*************
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan upang maging malakas, maligaya at kapaki-pakinabang
Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa.


Ilang libong mamamayan kaya ng Pilipinas ang naiintindihan at natutupad ang Panatang Makabayan?

Tanong lang. :)

:( :( :(  

Posted by feihaley in

Oo. Malungkot ako kaya nararapat lang ang titulo ng lathala ko ngayon.


Hindi lang pala malungkot. Mas mainam kung gagamitin ko ang katagang "Na-depress".

:((


Bakit naman?


Kagabi,tinangka kong magpunta sa lugar kung saan ako malayang nakakapagmuni muni kasama ng mga tanawin sa di kalayuan. Ang rooftop ng gusaling kinalalagyan namin. Ngunit sa kasamaang palad, hindi ko mabuksan ang pinto. Kahit anung pilit ko. At nang ipatingin ko ito kanina lang sa bus driver namin,walang kagatol gatol nya lamang sinabi na, "Do not open this one,the hinges are broken already." At sa itsura nyang yun,parang nabasa ko na rin ang subliminal message nyang "I don't have plans of fixing it,if that's what you want me to do." WTH. T__________T


At bakit nga ba ko nalungkot? Simple lang. Kasi sa lugar na yun ako nakakaramdam ng konting kapayapaan at "air" sa kabila ng matrabahong buhay ko bilang titser. Doon ako nakakapag-isip ng malalim at nakakapag-reflect sa mga bagay na bumabagabag sa isipan ko. Doon ako nakakaramdam ng konting kasiyahan kapag mag-isa lang ako. Oo,alam ko. Maaaring sabihin mong ang O.A ako. Okay lang,kanya kanyang trip lang naman yan. Walang basagan. Nagkataon lang na my mahalagang parte sa buhay ko dito ang rooftop na yun.


='( ='( ='(

break time  

Posted by feihaley in

Dapat e tuma-tumbling na ako sa sobrang tuwa dahil Eid Mubarak na, o mas kilala sa tawag ng pagtatapos ng Ramadan. At dahil diyan e my 10 araw kaming bakasyon sa eskwela. Pero hinde. Oh HINDE. Dahil andaming uwing trabaho. Gawaan ng 2nd quarterly exams. Reviewer. Lesson plans. Visual aids. Homeworks. Worksheets. Symbo cards para sa Foundation Week. Konsepto ng klase namin para sa Montessori Week. Ang OA. Ang baduy. Ang korni. ANG KJ. E mas mataas pa yata saken ung trabahong gagawin ko sa loob lamang ng 10 araw?! San banda diyan ang binigay nilang bakasyon ha?? WHAT THE HEEEEELLLLL!


E ganun talaga. Mahilig akong magreklamo. Lalo na kapag nagiging sagabal yan sa mga gusto kong gawin. LOL.


Sa totoo lang marami akong gustong ikwento, pero sa kadahilanang gusto kong itago ang katauhan at pangalan ng mga taong iyon, marapat lang na maging maingat ako sa mga sinasabi ko kahit na alam kong wala sila dito. Sabi nga nila, my tenga ang lupa, my pakpak ang balita. :)


Kanina pagkatapos kong gumawa ng mga exam, umakyat ako sa rooftop. Ang madalas kong ginagawa lalo na kapag pakiramdam kong nasasakal na ko sa loob ng apat na dingding ng kwartong kinalalagyan ko, sa trabahong nagsusumigaw sa akin na tapusin ko na sila, sa mga bagay na nagdudulot sa akin ng stress, lungkot, homesickness, at kung anu-ano pang negatibong enerhiya na pilit akong hinihila pababa. Simula ng dumating ako dito,naging ugali ko na ang magpatay ng oras sa rooftop na iyon. Ang rooftop na iyon ang nakakaalam ng mga saloobin at nararamdaman ko, lalo na sa mga araw na pakiramdam ko wala akong mga kaibigan na mabilis kong malalapitan at makakausap, o di kaya naman ay kapag nararamdaman kong hindi maganda ang performance ko sa eskwelahan. Alam nya ang bawat luha, sama ng loob, kasiyahan, takot, pag-aalinlangan at pangamba na naramdaman ko sa loob ng 3 buwan ko ng pamamalagi sa bansang kinaroroonan.


Habang nakatayo ako roon at pinagmamasdan ang mga sasakyang nagdaraan, ang mga ilaw sa kalsada, at ang mga gusali sa di kalayuan, nakaramdam ako ng saya. Hindi ko rin maipaliwanag pero nung mga oras na iyon, naramdaman ko ang kaunting kapayapaan ng isipan ko. At nadagdagan pa ang aking kasiyahan ng pagmasdan ko ang kalangitan at ang mga bituin. Tulad nga ng madalas kong sinasabi, "The sky and the stars and all of this vast universe above me? Never had it failed to amaze and give me comfort and elation." Simula kasi pagkabata, isa na sa mga bagay na nakakapagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam ang pagmasdan ang paligid ko at ang kalawakan at ang magmuni-muni. Hahaha. I love abstraction. Maraming bagay at ideya akong nabubuo sa aking isipan sa pagmamasid lang ng mga bagay na binanggit ko kanina. At nagpapasalamat ako sa Nakatataas na meron akong ganitong oportunidad at pagkakataon na masilayan ang mga bagay na ito.


O,parang naging emo na naman ang post na to. Bwiset. HAHAHAHA. Makatulog na nga at marami pa akong gagawin bukas. Kawawa. Lol.


:)

WARNING:

All original material posted in this blog is copyright of the author who posted them and kaninbaboycrew (dot) blogspot (dot) com, whether they be random rantings, sketchy one liners, technical articles, short stories or poems.