Polusyon ng mga Salita.  

Posted by feihaley in

Isa sa mga pinaka kinasusuklaman kong gawain ng mga tao. Tsismisan. Pero hindi pa rin mawala ang pagkamangha ko sa popularidad nito sa karamihan. Pwedeng pwedeng makipagsabayan sa hindi matawarang kasikatan nila Lady Gaga at Manny Pacquiao. At mas lalo pang napapailing ang ulo ko sa talamak na pagsulpot ng kung anu-anong magasin at palabas sa telebisyon na walang alam gawin kundi pukulin ng samu't-saring kwento at paratang ang buhay ng ibang tao. Mga manunulat na kumikita ng daan-daang salapi sa pagwawaldas ng milyong papel para sa mga kwentong walang kapararakan at tsismis na pawang hango sa sarili nilang paghuhusga. Mga host na binabayaran ng limpak-limpak upang humarap sa lokal na telebisyon at pumutak na daig pa ang puwet ng manok sa buong bayan ng mga bagay na walang katuturan. Sa abang bayan na mas pipiliin pa ng karamihan na gumastos sa panunuod ng mga takilya ni Papa John Lloyd at magbasa ng mga balita ukol kay Katrina Halili sa halip na magtayo at suportahan ang mga proyekto na magdudulot ng pag-ahon sa kahirapan ng masa at pagkatuto ng mga batang walang sapat na kayamanan upang makapasok sa isang disenteng paaralan. Sadyang my mga nilalang na naturingang bihis, edukado, at sibilisado, ngunit mangmang sa tamang paggamit ng kanilang mga isip at oras sa mas makahulugang mga bagay. Tila ba my mga tao na hindi mabubuo ang kanilang araw kung hindi nila pag-uusapan ang buhok ni ganito, ang bagong bag ni ganyan, ang promotion ni X, ang nasagasaang tuta ni A. Tila ba nagsisilbi itong tinapay ng kanilang buhay. Ang silipin, pag-usapan, kutyain, at gawan ng kwento ang pribadong buhay, mabuting gawain, maliit na pagkakamali, o kabuktutan ng isang kasamahan, kapitbahay, kakilala, o katrabaho. Kung mayroon lamang batas na nagsasaad ng tsismis bilang isang krimen, sigurado akong higit pa sa kalahati ng populasyon ng buong mundo ay namamalagi ngayon sa likod ng malalamig na rehas ng bilangguan.


Ano ba ang mga benepisyo na makukuha ng isa kung siya ay magtsi-tsismis o makiki-tsimis? Naiintindihan ko ang konsepto ng pagiging "in" sa mga usapan. Maaari siguro itong makatulong sa ILANG pagkakataon KUNG magdudulot ito ng mabuti. Pero sa tala ko ng mga kaganapan ukol sa ganitong usapin, wala pa akong nakitang naging henyo sa pamamagitan ng pagsasabing implanted ang dibdib ng kanyang employer. Pawang kasiraan ng reputasyon at buhay ang nagiging anak ng tsismis. O di kaya naman ay binubuwag nito ang magagandang samahan at pagkakaibigan. Winawasak ang mga ipinagkaloob na tiwala. Ano naman ang iyong mapapala kung malaman mong si B ay may kasintahang dayuhan? O kaya naman ay wig lang ang buhok ng boss mo. O nagpapanggap lamang palang lalake si Piolo. Aangat ba ang iyong estado sa lipunan at bubuti ba ang iyong pamumuhay kung malalaman mong paboritong kulay nga talaga ni Bayani Fernando ang pink? Madadagdagan ba ang iyong talino at husay kung itsi-tsismis mo sa iba na nagpalaglag ang pusa ng kapitbahay mo? Maaari mo ba itong gamitin bilang "free pass" sa pintuan ni San Pedro? Iisa lamang ang kasagutan sa lahat ng iyan. HIndi ka tutulungan sa kahit anong mabuting paraan ng tsismis. Bagkus, dahilan pa ito upang ikaw ay umani ng mga kaaway at ulanin ng batikos. Maliban na lamang kung ang layunin mo ay ang paliitin ang iyong mundo. Plan Gossip: Backfire. Kung ang "noise pollution" ay mayroong pagpapakahulugan na "displeasing human, animal, or machine-created sound that disrupts the activity or balance of human or animal life" puwes ang tsismis ay nararapat lamang bansagan bilang "word pollution" na may pagpapakahulugang "despicable human-created string of repugnant words and statements aimed at wreaking havoc on people's business and lives."


Alam mo na ba ang bagong chika?



******************************************

"What you don't see with your eyes, don't witness with your mouth."

~Jewish Proverb

Pugon ng Ulong Naglulugon  

Posted by ArsCariosus in

Nagmistulang balon ang aking utak sa init ng panahon; tuyot sa pangungusap at patuloy ang paglasap sa maligamgam na ala-alang mabilis sinunog ng himagsik ng araw. Sa ilalim, malapit nang matuyo ang nalalabi at kumukulong determinasyon para tapusin ang mga nasimulan bago ito tuluyang lumisan kasabay ng hangin sa himpapawid.


Mabilis ang pagpunit ng mga araw sa aking gunita, at ilang araw na lang ay deadline na ng Palanca na noong Disyembre ko pa napagnilayang salihan. Hilaw pa rin sa karanasang dala ng mga palihan, lumiliyab ang duda sa aking katawan, at ang dalawang kwentong nasimulan ay malayo pa rin sa inaasahang tagpo.

Muli, tinatanong ko ang aking sarili, Bakit ko ba gustong sumali? Pati ang ingleserong Philippine Graphic ay napagdisketahan ko nang bilhin at pagpasahan ng akda. Ganito na ba ako kadesperado? Marami nang nakapagsabing mapulitika ang mga ito. Totoong walang karerang naghihintay para sa isang manunulat dito sa Pilipinas. Teka nga, ano bang pinagkaiba ng maging isang published na manunulat at hindi? Marahil naniniwala pa rin akong hudyat ang Palanca na may nagsisimula nang sabihin ang isang akda. Darating din tayo dyan, wala nga lang katiyakan: gusto ko munang malasahan ang ubas bago ito maagnas.

Himagsik  

Posted by ArsCariosus in

(isang tulang nahukay sa baul ng ala-ala, unang isinulat noong Feb. 2009)


Sa paglisan ng tagak kasabay ang paglisan ng halimuyak
na minsang ninais at pinagkait sa pagpikit ng miminsang tadhana.

Minsa'y may nagwika: alam mo kung sino
kilala mo kung sino
at ang muntikang kalabit ng gatilyo sa kwarenta'y singko.

Ang pait ay tumuldok sa himpapawid, at panawid gutom ang pulburang bumura sa kamalayan.

Naglaho na ang pag-asa. Naglaho na ang pananabik. Naglaho na ang magtataho sa tahol ng mga aso.

Tapos na ang mga kahol & ikaw ay kuhol: Isang aninong nakahawla, patingin-tingin at bumabanat
ng mga katagang: paano kaya kung, ano kaya kung ako

Subalit alam mo ang paglayas ng kalayaan:

Malawak ang himpapawid, malalim ang dagat & mabangis ang lupa.

Mood Swings  

Posted by feihaley in

These past few days I felt nothing but detachment, frustration, and grumpiness. Sometimes I really want to believe that people born on the month of February are, well, strange. Or something like that. And a little trivia? I am a menopausal baby. A nice little gift of sheer luck for me to be alive and "normal", in a sense that I do not possess an ailment that impairs me from being part of this too conventional society. You know what I mean. One hell of a combination, yes. So what makes me "mentally unstable" recently? No. Its not about the people. I deal perfectly well with everyone around. They treat me okay. Although sometimes I get pissed off at them for one reason or another. I guess it's just that things nowadays are too ordinary for me. Everything's routinary. I feel like a bird inside a cage locked up and put somewhere far away from humanity. Although I can perfectly see and feel all forms of life around. Its like, I walk in their midst, but I'm not really there. A body with a soul that has wandered off. Like my mind is way too far from whatever is going on around. I even get really annoyed just by overhearing conversations that are nonsense. Really NONSENSE. Who would want to hear those anyway? What a total waste of time. The price of having to cohabit with other people. The price of individual differences.


Here's the real fuss of these virtual inkblots. I'm having an internal struggle of some sort. Whatever it is, I wish I could tell. I feel REALLY bored. Bored of this place. Bored of the lifestyle. And even MORE bored of the people around. Boredom got the better of me, at some point. And for the record I am being redundant. Yes, I know I already mentioned boredom and its family way too many times. No, I don't hate anybody. Not really. I am sorry if I feel this way. But what can I do? That's just how it is. Good thing I brought some of the best companions that I have. My books. Great friends in time of grief. And even greater confidants and conversationalists than some people. Plus some real friends whom I get to talk to online on a regular basis. They make the negative emotions go away, somehow. Although I don't directly confess anything that I know will make them a little worried.


Ever since winter began, I rarely go to the rooftop because it was too freezing cold to stay for a long time. It's one of my places of refuge from all these. Whatever you call these. And just a while ago I went to visit Mr.Rooftop. To seek for some peace of mind. Silence. Serenity. And he didn't fail. He never has. Since the day I had established a platonic relationship with him. I went to seek his help because I wanted to regain my composure. My sense of reality. My sanity. Myself. Everything that he could offer me. He somehow understood all the things that I felt at the time. As I stood there watching the whole city embrace the silence and peace of the night, a lot of things are just randomly swimming inside my head. And for one I thought my head was going to explode. It did felt like it was about to explode because I had a headache. Maybe because of too much thinking. Ah. Wonders of the mind. There are just these times when you don't want to think about anything at all and there goes your head, shooting ideas and memories and thoughts without warning. Leaving you
confused. Defeated. Forlorn.


After these, I guess I will have felt better. Mentally better, to be exact. Haha. And before I kiss my virtual pen good bye, I want to extend all of my gratitude to Mr.Rooftop. For helping me release some pressure building up inside of me.

I'll see you again. It won't be long, I am sure. :)

nasan na ang isip ko?  

Posted by ArsCariosus in

Wala na ang isip ko. Naisalin na lahat sa mga kwadernong ito.

WARNING:

All original material posted in this blog is copyright of the author who posted them and kaninbaboycrew (dot) blogspot (dot) com, whether they be random rantings, sketchy one liners, technical articles, short stories or poems.